Lantawan, Basilan – Mabilis na isinugod sa ospital ng Lantawan PNP ang isang babaeng dinugo matapos manganak sa Lantawan, Basilan nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Kinilala ni PCpt Nasser Maruji, Chief of Police ng Lantawan MPS ang babaeng pasyente na si Nohira Saiyari, 37, residente ng Brgy. Bulanza, Lantawan, Basilan.
Ito ay matapos humingi ng tulong ang Municipal Health Office upang dalhin sa lalong madaling panahon sa Basilan General Hospital sa Isabela City ang pasyenteng si Nohira dahil sa labis na pagdurugo matapos nitong manganak.
Ayon kay PCpt Maruji, kaagad na umaksyon ang mga tauhan ng Lantawan MPS na sina PMSg Abdelkhan Sakandal, PMSg Nurmalyn Bandahala, at Patrolman Sotero Malawit, at ligtas na naihatid sa ospital ang nasabing pasyente.
Nagpaabot din ng tulong ang tauhan ng Lantawan MPS sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera kay Nohira para sa iba pang gastusin nito tulad ng pambili ng mga diaper at para sa kanyang pagkain.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan upang maipadama ang pagmamahal na mula sa ating pamahalaan.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz