Cagayan de Oro City – Arestado ang apat na personalidad sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Police Regional Office 10 nito lamang Miyerkules, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina Emilio Tabaranza, Mangontawara Cota, Meindo Torres at Jamael Cota.
Ayon kay PBGen Acorda, naaresto si Tabaranza ng Regional Drugs Enforcement Unit 10 sa Zone 7 Acacia St, Carmen, Cagayan de Oro City at nakuha mula sa kanya ang mahigit kumulang 6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php48,800 at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, kalaboso naman sa PNP Drug Enforcement Group-10 ang tatlong suspek na sina Meindo Cota, Mangontawar Cota at Jamael Cota sa Sitio Potaon, Brgy. Malinao, Kalilangan, Bukidnon.
Nakumpiska mula sa tatlong suspek ang mahigit kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php340,000; 60 tangkay ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng Php62,500; iba’t ibang drug paraphernalia at isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Our accomplishment in this PRO are nonstop, hence we will not let-up and we will do better in apprehending those people who go against the law. Hindi natin hahayaan na gumawa pa sila ng mga ilegal na gawain lalong lalo na dito sa Region 10”, ani PBGen Acorda.
###
Panulat ni Patrolman Rolando Baydid Jr/RPCADU 10