Panabo City – Arestado ang isang lalaki sa buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Prk. Carrots, Brgy. Gredu, Panabo City, nito lamang Miyerkules, Mayo 18, 2022.
Kinilala ni PMaj Adelon Caacbay, Acting Chief of Police ng Panabo City Police Station ang suspek na si Jaylord Pantino Mañacap alyas “Inting”, residente ng Prk. Crossing, Brgy. Subasta, Calinan, Davao City na tinaguriang Top 9 High Value Individual sa Regional Level.
Ayon kay PMaj Caacbay, naaresto ang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng hinihinalang marijuana ng mga tauhan ng Panabo CPS at Regional Provincial Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dagdag pa ni PMaj Caacbay, nakuha mula sa suspek ang 11 pakete ng hinihinalang marijuana na may bigat na humigit kumulang na 140 gramo at may tinatayang street market value na Php16,800 gayundin ang isang caliber .38 revolver na may kasamang limang bala.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa kanilang layunin na gawing drug free ang Rehiyon Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director at patuloy na paiigtingin ang mga isinasagawang operasyon.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara