Ilagan City, Isabela – Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Ilagan City, Isabela nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jeffrey Raposas, Force Commander ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang mga sumuko na sina alyas “Emma”, 44, at alyas “Len-Len”, 65, kapwa residente ng Sitio Caunayan, Brgy. Old San Mariano, San Mariano, Isabela.
Ayon kay PLtCol Raposas, sumuko ang dalawang miyembro sa pagtutulungan at pagsisikap ng mga tauhan ng 1st Isabela PMFC, San Mariano Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group-Isabela PFU, 201st RMFB2, 142 Special Action Company, PNP-Special Action Force, Regional Intelligence Unit 2 at sa pakikipag-ugnayan sa 86th at 95th Infantry Battalion, 502nd Brigade, PA.
Kasabay nito ay isinuko rin ni alyas “Emma” ang kanyang baril na inisyu ng isang alyas “Ayang”, sa CTG Tracker Team para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Dagdag pa ni PLtCol Raposas, napadali at naging matagumpay ang pagsuko ng dalawa dahil sa patuloy na pagpapaigting ng Retooled Community Support Program gaya ng Project MASK (Malasakit Akmang Sagot sa Krisis) at Project SUBLI (Sarili Mo’y Uusad Biyayang Pangkabuhayan Laan na aming Igagawad) ng Isabela 1st PMFC.
Ang pagsuko ng bawat CTG ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan at kapulisan sa mga teroristang grupo at patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC
Source: 1st Isabela PMFC
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag