Carcar City, Cebu – Naaresto ng mga miyembro ng Carcar City Police Station ang Top 10 Most Wanted Person ng Carcar City nito lamang Martes, ika-17 ng Mayo 2022 sa Sitio Kamansihan, Brgy. Guadalupe, Carcar City.
Kinilala ni PLtCol Ardioleto Cabagnot, Chief of Police ng Carcar City Police Station, ang naaresto na si Ronaldo Barangan, 58, residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PLtCol Cabagnot, si Barangan ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na may rekomendadong piyansa na Php80,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay isa lamang sa mga patunay ng mabisang pamamaraan ng PNP upang mabigyan ng katarungan ang ating mga kababayang biktima ng krimen o karahasan.
###