Cagayan de Oro City – Binigyan ng paunang lunas ng Cagayan de Oro PNP ang isang lalaking may sugat sa tenga nito lamang Martes, Mayo 17, 2022.
Ayon kay Police Captain Ernesto Sanchez, Officer-in-Charge ng Cagayan de Oro City Police Office-Station 3, ang lalaking may sugat na si Zaldy C. Maneja, 36, residente ng Purok-3A Gusa, Cagayan de Oro City.
Sa naging salaysay ng biktima, siya ay hinampas ng kanyang brother-in-law ng matigas na bagay sa tenga habang nakatalikod siya dahilan para ang siya ay magtamo ng sugat at pagdurugo.
Agad namang nilapatan ng paunang lunas at inasikaso ng mga nakatalagang pulis na sina Police Corporal Giezl Gamos at Patrolwoman Sanilyn Quipanes.
Ang pagtulong sa kapwa ay nagpapatunay na ang PNP ay serbisyo publiko ang hatid sa mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo / RPCADU 10