Mahigit kumulang limang (5) kilo ng marijuana na may Dangerous Drug Board (DDB) value na Php370,000 at street value na Php600,000 ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Mati City Police Station sa pamumuno ni PLtCol Ernesto M Gregory, COP, kasama ang PDEA Davao Oriental, RPCEU 11, RID-PIT, RIU-PIT, at S2 Davao Oriental PPO sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Dahican, Mati City, Davao Oriental, noong Oktubre 19, 2021.
Arestado din sa naturang operasyon ang suspek na isa sa Regional Priority Target #9 at itinuturing na High Value Individual na si Royroy Binawi Malintad, 25 taong gulang at residente ng Nagas, Tomoang, Tarragona, Davao Oriental.
Nakumpiska mula sa operasyon ang Php12,000 kung saan ang Php1,000 dito ay tunay at ang Php11,000 ay ang ginamit na boodle money, isang (1) motorsiklo at isang (1) yunit ng cellphone.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ngayon ng suspek na nasa kostudiya na ng Mati CPS kasama ang mga nakuhang ebidensya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
#####
Article by Police Corporal Mary Metche A Moraera