Panglao, Bohol – Kasabay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Karagatan” (Month of the Ocean), isang coastal clean-up drive activity ang matagumpay na inilunsad ng PNP sa Poblacion, Panglao nito lamang umaga ng Martes, ika-17 ng Mayo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PCol Osmundo Dupagasan Salibo, Provincial Director ng Bohol Police Provincial Office, katuwang ang mga miyembro ng LGU Panglao, LGU Dauis, City Government of Tagbilaran City, DOT, PEMU-Bohol, BPTO, BEPO, DSWD, DOLE, DTI, MARINA, PPO, OPSWD, PPDO, PEO, PCG Bohol at PDRRMO.
Sako-sakong samut saring basura ang nakolekta ng mga lumahok sa naturang aktibidad.
Ang naging hakbanging ito ng PNP na siyang aktibong sinusuportahan ng iba’t ibang hanay ng pamahalaan maging ng mamamayan ay isang paraan upang pigilan ang pagkasira ng ating kalikasan.
###