Lambunao, Iloilo – Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga tauhan ng Lambunao Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Roy Tayona, Chief of Police, ng mga gift pack at tungkod para sa mga senior citizen sa Lambunao, Iloilo nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Ito ay alinsunod sa proyektong inilunsad ng Lambunao MPS na tinaguriang Project Lingkod Tungkod for the Elders (L.T.E.) na naglalayong matulungan ang lahat ng mga nakakatanda sa bayan ng Limbunao sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t ibang gift packs at ng mga tungkod.
Tagumpay na nakapamahagi ang grupo sa 10 benepisyaryo sa Barangay Tampucao samantala patuloy pa rin ang kapulisan ng Lampunao sa pagbabahagi ng tulong sa mga senior citizen sa iba’t ibang barangay sa naturang bayan.
Samantala, sinurpresa din ng Lambuano PNP si Lola Nenita, isa sa mga benepisyaryo ng naturang proyekto, na hinandugan pa ng cake bilang pakikiisa sa pagdiriwang sa kaarawan nito.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PMaj Tayona sa Local Government Unit-Lambunao at sa lahat ng mga stakeholders sa suporta at tulong nito para maging matagumpay ang nasabing proyekto.
“May this noble initiative encourage others to share whatever they have so we may continue this advocacy to the elders of Lambunao”, saad ni PMaj Tayona.
###