Valenzuela City — Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nasabat sa sampung suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Valenzuela PNP kaninang madaling araw, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni NPD Director, Police Brigadier General Ulysses Cruz ang mga suspek na sina Mar Socorro y Molina, 35, residente ng Dumpsite, Pinalagad, Malinta, Valenzuela City; Crisel Bravo y Carino, babae, 34; Landrito Villegas y Sombrito, 38; Edmar Perez y Amestoso, 49; Rodolfo Masangya y Manlapas, 45; Ruel Fernandez Jr y Fornelos, 36; Clifford Austria y Soberano, 42; Ernesto Docil y Cabaluna, 54; Mauricio Doon y Ocampo, 54; at Juan Doon y Ocampo, 59, pawang mga residente ng Barangay Karuhatan sa parehong Lungsod.
Ayon kay PBGen Cruz, naaresto ang mga suspek bandang 3:30 ng madaling araw sa Ilang-Ilang Street, Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.
Narekober sa kanila ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet at isang piraso ng unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 30 gramo at nagkakahalaga ng Php204,000.
Kasama sa narekober ang isang piraso ng strip aluminum foil at isang piraso ng rolled aluminum foil na may bakas ng hinihinalang shabu, isang genuine na Php500 na may kasamang siyam na piraso ng Php1000 boodle money, walong piraso ng Php100, isang piraso ng brown coin purse, pitong yunit na cellphone, isang yunit ng Cal. 38 na baril na may tatlong pirasong bala; at cash money na nagkakahalaga ng Php120.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na ang buong hanay ng NPD ay patuloy na paiigtingin ang kanilang operasyon kontra ilegal na droga alinsunod sa bagong mandato nito na ADORE o Anti-Illegal Drugs Operations thru Reinforcement and Education.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PEMS Ronald Condez