Hinigaran, Negros Occidental – Arestado ang isang lalake matapos lumabag sa COMELEC Gun ban sa isang checkpoint sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental nito lamang Sabado, Mayo 14, 2022.
Kinilala ni Police Captain Ryan Villasario, Officer-in-Charge ng Hinigaran Municipal Police Station, ang suspek na si Mr. Antonio Barrios Y Lopez, 48, may asawa at residente ng Barangay San Fernando, Talisay City, Negros Occidental.
Ayon kay Police Captain Villasorio, nahuli ang suspek na may dalang isang improvised hand gun (sulpak) na may 12 pirasong ammunition habang nagsasagawa ang pulisya ng COMELEC Checkpoint sa naturang bayan.
Ang suspek ay agad na dinala sa Hinigaran MPS para sa karagdagang dokumentasyon at nahaharap sa kasong paglabag sa COMELEC Gun ban.
Ang COMELEC Gun ban ay patuloy pa ring ipapatupad ng ating kapulisan hanggang Hunyo upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.
###