Umingan, Pangasinan – Arestado ng Umingan Police Station ang Top 1 Most Wanted Person sa kasong 3 counts of Rape sa bayan ng Umingan, Pangasinan, nito lamang Biyernes, Mayo 13, 2022.
Kinilala ni Police Major Mark Tubadeza, Chief of Police ng Umingan Police Station ang suspek na si Patrick Corpuz Rupido, 38, residente ng Brgy. Caurdanetaan, Umingan, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Tubadeza, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa pinagsamang tauhan ng Umingan PS, Provincial Intelligence Unit, Provincial Investigation and Detection Management Unit Pangasinan PPO, at 104th Maneuver Company nang walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Umingan PS sa pagpapaigting sa kanilang operasyon upang panagutin ang mga lumabag sa batas sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: Umingan Police Station
###
Panulat ni Patrolman Viljon Anthony Comilang