Zamboanga City – Arestado ang Most Wanted Person sa kasong Murder ng Zamboanga PNP nito lamang Biyernes, Mayo 13, 2022.
Kinilala ni Police Major Wilfredo Palamos Jr. , Chief of Police ng Zamboanga City Police Station 8, ang naarestong suspek na si Jainur Mussad Samman, 23, binata, residente ng Southcom Village, Brgy. Upper Calarian, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Palamos, bandang 5:27 ng hapon ng matagumpay na maaresto si Jainur ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 8 sa bisa ng Warrant of Arrest sa Kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman Chris Lorenz Angat/RPCADU 9