Nakatanggap ng mahigit Php4.8-milyon halaga ng benepisyo ang 2,509 na Isabelino sa isinagawang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery sa lalawigan ng Isabela kahapon, Oktubre 19, 2021.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Steve Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2, kasama si Police Colonel James Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, ang pamamahagi ng mga grocery items sa mga residente ng Aurora at Cauayan City, Isabela.
Namahagi din ng 20 negosyo carts at bolo na mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), at 50 bags ng hybrid rice seeds, fertilizer assistance, hybrid corn seeds, at 20 packs ng iba’t ibang vegetable seed naman ang ipinamahagi ng Department of Agriculture.
Samantala, nagsagawa rin ng profiling ang Public Employment Service Office para sa Emergency Employment na nagkakahalaga ng P4-milyon.
Nagkaroon din ng medical mission, feeding program, free haircut, tree planting, at pamamahagi ng 200 pirasong face mask, 200 pirasong face shield, 50 pirasong flash light, 50 pirasong bag, 100 bote ng alcohol, at mga bitamina.
“Ang programang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery ay isang patunay na ang gobyerno ay laging handang tumulong at umagapay lalong lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad,” ani PBGen Ludan.
Ang naturang programa ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng Officers’ Ladies Club, Crime Laboratory, Highway Patrol Group, Regional Health Unit 2, City Local Government Office, Department of Labor and Employment, National Intelligence Coordinating Agency, National Commission on Indigenous Peoples, Department of Agriculture, Public Employment Service Office-Cauayan, City Environment and Natural Resources Office, Local Government Unit ng Isabela, Kaakibat Civicom Int’l Inc. (Luzon 157 Cauayan Chapter) at mga miyembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers.
#####
Article by Police Corporal Mary Joy D Reyes