Davao del Norte – Timbog sa isinagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng Kapalong Municipal Police Station ang isang wanted person sa kasong paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Purok 6, Brgy. Maniki, Kapalong, Davao del Norte, nito lamang Biyernes, Mayo 13, 2022.
Kinilala ni PMaj Raul Lucas, Chief of Police ng nasabing istasyon ang suspek na si Raphy Jay Namolata Sarguisa, 21, residente ng Purok 10C, Block 4, Lot 34, Villa Clementa Subdivision, Brgy. Maniki, Kapalong, Davao del Norte.
Ayon kay PMaj Lucas, ang nasabing operasyon ay kaugnay sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at implementasyon sa pag-aresto sa mga Wanted Person sa nasabing lugar at upang resolbahan ang mga kasong tulad ng R.A. 8353 o Anti-Rape Law at R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC).
Samantala, hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director, PRO11 na tugisin ang lahat ng Wanted Person sa Rehiyon ng Davao upang mapanatili ang kapayaan at kaligtasan ng mga mamamayan nito.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma