Sanchez Mira, Cagayan – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Estafa sa isinagawang operasyon ng Abulug PNP, nito lamang Huwebes, Mayo 12, 2022.
Kinilala ni Police Major Ignacio Dijun Dinulong Jr., Hepe ng Abulug Police Station ang suspek na si alyas “Berto”, 38, residente ng Brgy. Namuac, Sanchez Mira, Cagayan.
Ayon kay PMaj Dinulong, naaresto ang suspek sa nasabing lugar sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga operatiba ng Abulug Police Station.
Pinuri naman ni Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office ang Abulug PS sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek.
Hinimok din ni PCol Sabaldica ang mga mamamayan na patuloy na makipagtulungan sa PNP upang matunton ang iba pang indibidwal na nagtatago sa batas.
Source: Abulug MPS
###
Sa panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes