Maramag, Bukidnon – Arestado ang isang lalaki sa kasong Robbery ng Maramag PNP nito lamang Huwebes, Mayo 12, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Jerlie Callora y Baguio, lalaki, 23, residente ng P-3 Sabacan, Maramag, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 8:20 ng umaga naaresto ang suspek sa P-3 Sabacan, Maramag, Bukidnon, ng mga operatiba ng Maramag Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na may rekomendadong piyansa na Php144,000.
Hangad ng PNP na mabigyan ng katarungan ang ating mga kababayan na biktima ng mga kawatan, kaya patuloy ang mga ito sa paggawa ng kanilang mga hakbangin para sa matagumpay na adhikain.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 9