Caloocan City — Tinatayang Php408,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tinaguriang High Value Individual sa Lungsod ng Caloocan sa buy-bust operation ng PNP nito lamang umaga ng Huwebes, Mayo 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ulysses Cruz, Northern Police District Director, ang suspek na si Mohammad Ryan Dimaro y Salic alyas “Ryan”, 22, residente ng Emmanuel Street, Barangay 188, Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Cruz, nahuli si Dimaro sa kahabaan ng Emmanuel Street, Barangay 188 sa nasabing Lungsod bandang 6:50 ng umaga sa pinagsanib pwersa ng Station Drug Enforcement Unit-Caloocan CPS at 6th MFC RMFB-NCRPO.
Narekober nila sa suspek ang tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 60 gramo at nagkakahalaga na Php408,000 at isang genuine Php1,000 bill kasama ng pitong piraso na pekeng Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap si Dimaro sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PBGen Cruz na mananatiling alerto at magsasagawa ng operasyon ang buong hanay ng NPD para mahuli ang mga taong nakakulong pa rin sa huwisyo ng ilegal na droga at mga sangkot nito.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni Police Corporal Manuel