Lanao del Sur – Naaresto ng Marawi PNP ang isang Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU matapos mahulihan ng baril sa Marawi City, Lanao del Sur noong Mayo 10, 2022.
Kinilala ni PCol Christopher Panapan, Provincial Director, Lanao del Sur Police Provincial Office ang suspek na si Faisal Alimosa Molok, 36, residente sa nasabing lugar.
Ayon sa PCol Panapan, pinaiigting ng PNP ang seguridad ng Capitol Complex dahil sa patuloy na kaguluhan nang makita ang nasabing suspek na kahina-hinalang tumatakbo palayo sa compound ng New Capitol Complex.
Ang suspek ay may dalang camouflage sling bag na nag-udyok sa mga otoridad na lapitan siya at magalang na sinabi na ipakita ang laman ng sling bag na humantong sa pagkakadiskubre ng isang kalibre .45 Pistol M1911 A1 US Army na may isang magazine at tatlong live ammunition.
Ito ay kaugnay pa rin ng umiiral na nationwide gun ban na iniutos ng Commission on Elections (COMELEC).
Ang pagbabawal sa pagdadala ng mga baril at nakamamatay na armas ay tatagal hanggang Hunyo 8, isang buwan pagkatapos ng pangkalahatang halalan noong Mayo 9.
###
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia