Tantangan, South Cotabato – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Brgy. Dumadalig, Tantangan, South Cotabato, nito lamang Mayo 9, 2022.
Kinilala ni PMaj Randy Apostol, Officer-in-Charge ng Tantangan Municipal Police Station ang suspek na si Bando Emba y Pagalangan, 45, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay PMaj Apostol bandang 11:00 ng umaga ng mahuli ang suspek ng pinagsanib puwersa ng Intel Operatives ng Tantangan Municipal Police Station na pinangunahan ni PSMS Warren Domider katuwang ang Regional Intelligence Unit 12 at mga augmented personnel mula sa RPHAS, Tracker Team Charlie at Regional Intelligence Division 12.
Naaresto si Bando ng Tantangan PNP matapos ihain ang Warrant of Arrest laban sa nasabing indibidwal para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.
Agad itong dinala sa Tantangan MPS para sumailalim sa booking procedure at kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Tantangan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
###
Panulat ni Patrolaman Gio Batungbacal