Lemery, Batangas – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person (Regional Level) sa kasong Murder sa isinagawang manhunt operation ng Batangas PNP nito lamang Martes, May 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si Bayani Villalobos Manguera, 76, at residente ng Zone 3 Brgy. San Jose, Taal, Batangas.
Ayon kay PCol Cansilao, bandang 2:30 ng hapon naaresto si Manguera sa Brgy. Bayanan, Pola, Oriental Mindoro ng pinagsanib puwersa ng Lemery Municipal Police Station, Pola Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 4B sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang nirekomendang piyansa.
Ang pinaigting na operasyon ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Batangas Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano