Calamba, Laguna – Arestado ang isang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness sa operasyon ng Calamba PNP nitong Lunes, Mayo 9, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison Jr., Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si Crisanto Tinos, 50, helper, residente ng Barangay Camaligan, Calamba City, Laguna.
Ayon kay PCol Ison, bandang 2:50 ng hapon naaresto si Tinos sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Calamba City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness (2 counts).
Ang Pambansang Pulisya ay mas pinaigting ang kampanya laban sa kriminalidad upang maging ligtas at payapa ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon