Cagayan de Oro City – Timbog ang pitong suspek sa pamamaril sa joint hot pursuit operation ng Cagayan de Oro City Police Station 4, City Intelligence Unit at City Mobile Force Company sa Zayas Landfill Carmen, Cagayan de Oro City nito lamang 6:10 ng gabi ng Martes, Mayo 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Aaron Mandia, Hepe ng Cagayan de Oro City Police Office, ang tatlong suspek na sina Jose Paraguya, 50, narekober sa kanya ang isang unit ng improvised shotgun (sumpak) na may 12-gauge live ammunition; Reny Atubang, na narekober sa kanya ang isang fired empty shell of 12 gauge; Eulodio Tutu y Gondo, 41, narekober sa kanya ang isang unit .45 caliber pistol na may inserted magazine loaded ng anim na live ammunition.
Samantala, kinilala ni PCol Mandia ang apat na indibidwal na arestado dahil sa pagpoprotekta at pagtatakip sa mga salarin. Ito ay sina Aljun Pauran y Cabaring 34; Rico Reunido y Ortiz, 18; Joven Dagsangan y Salalay, 18 at Henry Jabla y Abuhan, 71 at narekober sa kanila ang apat na tabak.
Ang biktima ay kinilala na si Jemar Lauron y Pastrono, 27, miyembro ng Mangangayaw Tribal Force at residente ng St. Paul, Puntod, Cagayan de Oro na nagtamo ng mga sugat sa dibdib at mukha na kasalukuyang nagpapagamot sa JR Borja Hospital.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code.
###
Panulat ni NUP Sheena Lyn M Palconite/RPCADU 10