Cabanglasan, Bukidnon – Arestado ang Top 10 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang operasyon ng Cabanglasan PNP nito lamang Martes, Mayo 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naaresto na si Randy Ojeda Y Empinado, 30, walang trabaho at residente ng P-3, Brgy. Lambagan, Cabanglasan, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, nadakip ang suspek bandang 9:20 ng umaga nang mga operatiba ng Cabanglasan Municipal Police Station at 1st Bukidnon Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PCol Lagare, naaresto si Ojeda sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may Criminal Case No. 35198-20 na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang PNP ay patuloy sa mandato na ilagay sa likod ng rehas ang mga taong may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10