Pinangunahan ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagpapasinaya sa bagong Chief Executive Senior Police Officer (CESPO), PNP Office noong Oktubre 19, 2021.
“This infrastructure project is only part and parcel of the many efforts of the leadership for the institutionalization of overall career management and development program for our gallant PNCOs under the Intensified Cleanliness Policy, and is vital in boosting the morale and welfare of our PNCOs since the building is also being utilized in various conferences, trainings, and assembly of Police Non-Commissioned Officers (PNCOs),” pahayag ni PGen Eleazar.
Dagdag ng hepe, hindi lamang ang professional competence ng mga pulis ang dapat pagtuunan ng pansin kundi maging ang pagkakaroon ng maayos at komportableng opisina upang mas maging produktibo at epektibo sa pagtupad sa kanilang tungkulin at mandato.
Ang PNP CESPO ay ang pinakamataas na ranggo ng Police Non- Commissioned Officer at kabilang sa personal staff ng Chief, PNP. Ito ay katumbas ng ranggong Sergeant Major sa military.
Sinimulan ang renovation ng naturang gusali noong nakaraang Hulyo 31 at natapos noong Setyembre 15, sa inisyatibo ni PEMS Rodolfo Collado, Jr., PNP CESPO.
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche