Bacolod City – Arestado ang isang babae matapos mahulihan ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng mahigit Php1 milyon sa PNP buy-bust operation sa Bacolod City nitong Linggo, Mayo 8, 2022.
Kinilala ni Police Captain Paul Vincent Pendon, Bacolod Police Station 2 Commander, ang suspek na si Liza Lausa alyas “Inday,” 54, residente ng Fiesta Homes Subdivision, Barangay Sum-ag, Bacolod City.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 12 sachet ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 155 grams at may Standard Drug Price na Php1,054,000.
Ayon kay Police Captain Pendon, naaresto ang suspek sa tulong ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, Regional Intelligence Unit- Western Visayas at ng Bacolod City Police Station 2.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
###