Bacolod City– Nagsimula ng magdeploy ng mga tauhan ang Negros Occidental Police Provincial Office upang magbantay sa mga Voting Counting Machines (VCM) para sa May 9 National and Local Elections (NLE) sa iba’t ibang City at Municipal polling center, nitong Mayo 7, 2022.
Ayon sa Provincial Election Monitoring Center (PEMAC) ng NOCPPO, nasa 92.4% na ng kabuuang VCMs ang naideliver sa iba’t ibang paaralan sa Negros Occidental na gagamiting mga voting center. Kasama ng mga naideliver na machine at iba pang election paraphernalia ang mga kapulisan na siyang magbabantay nito. Babantayan ng kapulisan ang nasabing mga election paraphernalia mula Mayo 7, 2022 hanggang Mayo 9, 2022. Isinagawa rin sa parehong araw ang Final Testing at Sealing (FTS).
Samantala, ayon naman sa ulat na inilabas ng Regional Task Group Critique Session for NLE 2022 na pinangunahan ni Police Colonel Martin Defensor Jr, Deputy Regional Director for Operations of Police Regional Office 6, ang iilan sa mga VCMs na hindi pa naideliver sa kanilang mga polling precincts ay alinsunod sa kautusan ng kanilang mga Local Government Unit.
Tiniyak naman ni Police Colonel Leo Pamittan, Acting Provincial Director ng NOCPPO, na handa ang buong hanay ng kapulisan sa Negros Occidental sa pagbabantay sa naturang mga equipment at sa National at Local Elections sa kabuuan.
###