Arestado ng pulisya ang siyam na indibidwal na kinabibilangan ng 3 High Value Individuals at 6 na Street Level Individual sa inilunsad na drug buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Desamparados, Jaro, Iloilo City, alas-2:00 ng hapon, ika-5 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., Hepe ng Iloilo City Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Alyas “Josias” (HVI); alyas “Carlos” (HVI); alyas “Christian” (HVI); alyas “Raymond” (SLI); alyas “Kerwin” (SLI); alyas “Eduardo” (SLI); alyas “Francis” (SLI); alyas “Davey” (SLI); at si alyas “Ronald” (SLI).
Ayon kay PLtCol Benitez Jr, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may mga nagaganap na transakyon ng ilegal na droga sa nasabing lugar.
Ayon pa kay PLtCol Benitez, subject ng nasabing buy-bust si alyas “Josias”, ngunit naabutan sa nasabing lugar ang kanyang mga parokyanong gumagamit at bumili ng ilegal na droga.
Sa mismong operasyon, narekober sa mga nahuling durugista ang kabuuang 120 gramo ng suspected shabu na may halagang Php816,000, buy-bust money at ilang mga non-drug items.
Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na drug buy-bust operation ay bunga ng maayos na koordinasyon, at pakikipagtulungan ng mamamayan sa pagbibigay ng mga impormasyon sa ating kapulisan upang masawata ang pagkalat ng ilegal na droga.