Rosario, La Union – Arestado ng Rosario MPS ang siyam na Most Wanted Person sa kasong Illegal Gambling sa Brgy. Tabtabungao, Rosario, La union nitong Martes, ika-4 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Major Lester C Tannagan, Officer-In-Charge ng Rosario Municipal Police Station, ang suspek na sina Olivia Borja y Selga, 48, may asawa; Nelly Abella y Dizon, 64; Aurora Baging y Refuerzo, 62, may asawa; Bilinda Ordono y Arungat, 56, may asawa; Herminia Dizon y Pascua, 37, may asawa; Jovelyn Selga y Dizon, 30, may asawa; Maui Arongat y Carbon, 18, walang asawa at pawang walang trabaho, kasama sina Rolando Ordono y Soriano, 54, magsasaka at si Susan Odi y Destacamento, 42, may asawa, vendor, lahat sila ay nakatira sa Brgy. Tabtabungao, Rosario, La Union.
Ayon kay PMaj Tannagan, bandang 12:39 ng hapon nang naaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Rosario Municipal Police Station.
Dagdag pa ni PMaj Tannagan, naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong PD 1602 o Illegal Gambling na may Php10,000 na multa bawat katao.
Ang Rosario PNP ay patuloy sa paghuli sa mga may kasalanan sa batas upang mapanagot ang mga ito at matiyak ang mapayapa at maayos na komunidad.
Source: Rosario MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero