Juban, Sorsogon – Sumuko ang siyam na miyembro ng Communist Terrorist Group sa Sorsogon PNP nitong Huwebes, Abril 7, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jonnel Estomo, Regional Director ng Police Regional Office 5, ang mga sumuko na kinabibilangan ng kalihim ng Gabriela – Sorsogon na si alyas Kim at anim na miyembro ng Larangan 1, Komite ng Probinsiya 3 at dalawang kasapi ng Milisya ng Bayan.
Ayon kay Police Brigadier General Estomo, dakong 1:30 ng hapon sumuko ang mga rebelde sa Barangay Rangas, Juban, Sorsogon sa pakikipag-ugnayan sa Sorsogon Police Provincial Office at Philippine Army.
Ayon pa kay Police Brigadier General Estomo, isinuko din ng mga rebelde ang isang kaliber .38 pistol, pitong bala at isang MK2 hand grenade.
Dagdag pa ni Police Brigadier General Estomo, ang pagsuko ng mga rebelde ay bunga ng walang humpay na Retooled Community Support Program ng pamahalaan.
Ang mga sumukong rebelde ay nakatakdang isailalim sa debriefing session upang sila ay mapabilang sa mga mabibigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Hinikayat ng mga PNP at PA ang mga mamamayan sa Sorsogon na tuldukan ang problema ng insurhensiya sa probinsya sa pamamagitan ng pagsuko sa otoridad o pagbalik-loob sa pamahalaan para magkaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay sa piling ng kanilang pamilya.
Source: KASUROG Bicol
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia
Magayon nag siruko kamo para sa kapayapaan dyos mabalos PNP