Thursday, September 19, 2024

9 Agta, patay sa Lal-lo, Cagayan

Lal-lo, Cagayan (February 5, 2022) – Kalunos-lunos ang naganap na aksidente na ikinasawi ng siyam (9) na Agta, kabilang ang isang sanggol, na dulot ng pag-araro ng isang van sa Zone 2, Barangay San Lorenzo, Lal-lo, Cagayan noong gabi ng Pebrero 5, 2022.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ang mga biktima ay galing sa lamay at nagpasyang magpalipas muna ng oras sa bahay ni Ginoong Renato Oroles. Ilang minuto ang nakaraan, biglang sumalpok ang isang Toyota Hi-Ace van na minamaneho nang kinilalang si Dan Vincent Domingo, isang Army Reservist at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Dead on the spot ang siyam na biktima na sina Aladin Oniate, Clarita Maganay, Duarte Oniate, Eric Oniate, May Ann Martinez, Rosita Martinez, Charie Oniate, pawang mga nasa legal na edad, isang sampung taong gulang na bata at isang sanggol.

Sa kasalukuyan, ang suspek na si Domingo ay malubha ang lagay, at ginagamot sa pribadong pagamutan sa Tuguegarao City. Habang ang kasama nito na si Allan Jay Parungao ay inilipat rin sa isang ospital sa Luna, Apayao upang mabigyan ng medical na atensyon.

Samantala, ang mga labi naman ng mga biktima ay nasa morgue sa bayan ng Lal-lo.

Kaugnay nito ay kasalukayan naman ang koordinasyon ng ating kapulisan sa naiwang pamilya ng mga biktima at isinangguni na rin sa lokal na pamahalaan ng naturang bayan ang pangyayari upang mabigyan ng maayos na burol ang mga biktima.

Sa kabilang banda ay patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng ating mga kapulisan sa pangyayaring ito.

Pinapayuhan rin ang publiko na ugaliing huwag uminom ng alak kapag magmamaneho at ugaliing suriin ang B.L.O.W.B.A.G.E.T.S. para sa maayos at ligtas na paglalakbay.

Source: Cagayan PPO

Panulat ni Pat Edward Balawag, RPCADU 2

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles