Quezon City – Isinagawa ng Philippine National Police ang taunang pag-alala sa kagitingang ipinamalas ng 44 na namayapang miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration of Future Generations,” sa Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City, ngayong araw ng Miyerkules, ika-25 ng Enero 2023.
Nagsagawa ng Wreath-Laying Ceremony kaugnay ng SAF 44 National Day of Remembrance sa buong bansa na pinangunahan ni Chief, PNP Police General Rodolfo Santos Azurin, Jr. kung saan personal niyang dinaluhan ang seremonya sa tanggapan ng Special Action Force upang makibahagi sa pag-alala sa mga yumaong bayani.
Samantala, hinalili naman ni Police Lieutenant General (PLtGen) Rhodel O. Sermonia, The Acting Deputy Chief PNP for Administration (TADCA) ang isinagawang programa sa Camp BGen Rafael T. Crame na dinaluhan ng ilan sa pamilya ng mga magiting na SAF 44.
Sa mensahe ni CPNP, kanyang binigyang-diin na hindi lamang alaala ng kanilang pamana ng kabayanihan, kundi isang inspirasyon para sa mga hinaharap na henerasyon ng mga pulis.
Dagdag pa ni PGen Azurin na ang kanilang aksyon ay nagbigay daan sa PNP sa kung ano ito ngayon, at ang kanilang legasiya ay isang bagay na dapat nating ipagmalaki ng lahat.
Panulat ni Pat Noel Lopez