Maagang nahandugan ng mga pamasko ang mga kabataan ng Rosario, Northern Samar mula sa mga ipinamahaging regalo ng mga Santa Cops ng Northern Samar Provincial Community Affairs and Development Unit at Women and Children noong November 17, 2021.
Isinagawa ang pamamahaging ito, sa kolaborasyon ng Rosario Municipal Police Station bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 29th National Children’s Month.
Kabilang sa mga pamaskong naihandog ay ang mga school supplies, hygiene kits, goodies, at healthy snacks kung saan 85 na mga kabataan ang nahandugan.
Maliban sa pamamahagi ng mga pamasko ay tinalakay din ng mga nasabing santa cops sa mga kabataan ang children’s basic rights.
Ang nasabing gawain ay bahagi rin ng BARANGAYanihan Program ng pulisya na naglalayong matulungan ang mga kabataan, lalo na sa mapanghamong panahon dala ng pandemya.
Si PCol Arnel J. Apud, Provincial Director ng Northern Samar PPO ay nagpahayag na handa at patuloy na tutulong ang mga kapulisan, lalo na sa mga pamilyang lubos na nangangailangan may pandemya man o wala.
Naging matagumpay ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad dahil sa mainit na suportang ibinigay ni PBGen Rommel Bernardo A. Cabagnot, Regional Director, PRO 8 pati na rin ng mga stakeholders.
#####
Panulat ni: Police Senior Master Sergeant Reynaldo D Pangatungan
Salamat po PNP
God bless PNP always ?