Parang, Maguindanao – Sumailalim ang 808 Reactionary Standby Support Force ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Personnel sa 2-day Special Election Board of Inspectors (SEBIs) Seminar Workshop sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao noong Abril 25-26, 2022.
Ang mga RSSF ng PRO BAR na ipapakalat anumang oras sa iba’t ibang parte sa rehiyon kung saan sila ay higit na kakailanganin ay dapat sumailalim sa seminar workshop ng SEBI bilang paghahanda sa posibilidad na pumalit sa mga guro na itinalaga bilang electoral board na magba-backout mula sa kanilang mga tungkulin sa halalan.
Sa seminar na ito itinuro ang mga alituntunin at regulasyon na dapat sundin sa mga voting precincts pati na rin ang familiarization sa Vote Counting Machines (VCMs) at ang iba’t ibang bahagi at tungkulin nito.
Bago matapos ang aktibidad, sumailalim ang mga kalahok sa serye ng mga pagsubok upang makita kung handa na silang harapin ang posibleng maging problema na may kinalaman sa halalan at kung naunawaan nila ang pangunahing operasyon ng mga VCM para sa Mayo 9.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz