Leyte – Tinatayang nasa 800 piraso ng puno ng miapi at pagatpat ang matagumpay na naitanim ng mga kawani ng ilang ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa inilunsad na Tree Planting Activity sa Brgy. District 1, Babatngon, Leyte noong April 23, 2023.
Ito ay dinaluhan ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ricky Reli, DPDA ng LPPO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Edwin Balles, Provincial Director.
Ang aktibidad ay may temang “One Tree, One Hope; Together We Can Invest In Our Planet” na inorganisa at inisyatibo ng Systems Development Ventures and Corporation sa pakikipagtulungan ng PCSO, STL Academy, at MENRO Babatngon.
Ang pagsasakatuparan ng aktibidad ay bahagi ng mga nakatakdang gawain ng grupo kasunod ng pagdiriwang ng 2023 Environment Day at bilang pakikiisa sa pagsusulong ng kaayusan at kagandahan ng kalikasan.