Nakatanggap ng regalo mula sa mga miyembro ng 1st Mobile Force Platoon, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang 80 Agta Families mula sa Barangay Calaoagan, Camalaniugan, Cagayan sa ginanap na Gift-giving noong Ika-17 ng Disyembre 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Julius Viernes, Platoon Leader ng 1st Mobile Force Platoon ang nasabing programa kung saan namahagi sila ng mga grocery packs, tsinelas, damit, regalo at paprempyo.

Nagkaroon din ng feeding activity at parlor games para sa mga bata at maging sa mga matatanda na siyang lubos na nagpasaya sa nasabing aktibidad.
Sa mensahe ni Pedro Bacarse, Chieftain ng Agta Community, ipinagpapasalamat niya ang muling pagbisita ng mga kapulisan sa kanilang tribo at pamamahagi ng mga biyaya at regalo.

Hinangaan at pinuri din ni Police Lieutenant Colonel Darwin John Urani, Force Commander ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang kanyang mga tauhan sa inisyatibong magkaroon ng ganitong aktibidad.
Pagiging makatao ang ipinakita at ipinadama ng mga kapulisan sa mga benepisyaryo dahil ang hanay ng Pambansang Pulisya ay kasama ng komunidad sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng bagong taon na may saya, pagmamahalan at kapayapaan.
Source: 2nd Cagayan PMFC