Daet, Camarines Norte (December 26, 2021) – Sa kabila ng pagdiriwang ng ika-53rd Founding Anniversary ng mga komunistang New People’s Army (NPA), walong (8) miyembro umano ng kilusan ang kusang sumuko sa mga kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) nitong Disyembre 26, 2021 sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte.
Dakong alas 3:00 ng hapon, sa harap ng mga awtoridad, mamamayan at media ay kusang sinuko ng walo ang kanilang mga bitbit na iba’t ibang uri ng armas, hinubad ang kanilang suot na berdeng t-shirt na may selyo ng kilusan, sinunog ang isang effigy ni Joma Sison at watawat ng NPA.
Ang mga armas na isinuko ay isang (1) cal. 45, walang serial no., isang (1) magazine ng Cal. 45 na may pitong (7) bala; tatlong (3) canister with grenade rifle; isang (1) bandolier; isang (1) M16 Rifle; isang (1) short aluminum magazine M16; dalawang (2) long M16 magazine; 30 bala ng M16; apat (4) na cal. 38 revolver, walang serial number na may 21 bala; isang (1) M1 Garand Rifle, na may serial no. 838400; dalawang (2) clips garand rifle na may tag 8 bala; 9mm luger, walang serial number; isang (1) magazine na may siyam (9) na bala; at anim (6) na Improvised Explosive Devices (IEDs).
“Naparito po kami para magsurrender sa gobyerno. Para magpatotoo, hindi namin kaya ang patakaran nila. Nalaman namin na ang gobyerno ay handang tumulong sa ipinaglalaban namin. Nandito kami para sumuko na at gustong makisama sa gobyerno at magbalik loob. Nagpapasalamat kami sa pagtanggap ninyo sa amin kahit nalaman ninyo na nandoon kami sa bukid (Kilusan) at pinilit naming magbagong buhay,” ani Ka Jeffrey’.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga Pulis Bantayog ang walong sumuko para sa balidasyon at dokumentasyon ng kanilang mga papeles bago makuwalipa sa tulong ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng E- Clip na lalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP NPA NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang pamilya, sila ay mabigyan ng iba’t ibang tulong , kasanayan , kaaalaman na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay at para din sa kanilang pamilya at komunidad.
Mensahe ng masigasig na Provincial Director ng CNPPO na si Police Colonel Julius Guadamor, “Sersoyo ang gobyerno na tanggapin sila kung sila ay magbabalik loob, seryoso rin ang gobyerno na gibain sila kung haharangan nila ating mga programa.”
#####
Panulat ni: : Police Corporal Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio
Sana all sumuko na
Good Job Team PNP godspeed
Good Job and keep up the good work✍???