Friday, November 29, 2024

8 na mangingisda arestado sa kasong ilegal na panghuhuli ng “Pawikan”

Sulu – Timbog ang 8 mangingisda sa isinagawang joint-operation dahil sa panghuhuli ng Pawikan sa Sitio Puh Higad, Brgy. Bubuan, Hadji Panglima Tahil, Sulu nito lamang ika-22 ng Enero 2023.

Kinilala sa alyas ang mga naaresto na sina Hajmar, Warjan, Khalib, Mandi, Bens, Nash, Janjalani at Hakim, na pawang mga residente ng Patutul, Pangutaran, Sulu.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng report ang mga awtoridad patungkol sa pamamalagi ng ilegal na mga mangingisda sa nasabing lugar.

Kabilang sa nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Regional Maritime Unit BAR, High Speed Tactical Watercrafts 13 at 14, Sulu Maritime Police Station, Hadji Panglima Tahil Municipal Police Station, at 1st Provincial Mobile Force Company Sulu PPO.

Nakumpiska sa lugar ang limang motorized Bancas, 15 piraso ng pinatay na “Pawikan” o Sea Turtles, pitong spears, pitong bolo, isang martilyo, limang palakol, at isang Yamaha Boat Engine.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Sulu MARPSTA para sa imbentaryo, dokumentasyon, at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” at Section 102 of RA 10654 o “The Fishing or Taking of Rare, Threatened, or Endangered Species.”

Bukod dito, ang 15 napatay na “Pawikan” o Sea Turtles ay dadalhin sa DENR CENRO para sa kaukulang kustodiya.

Samantala, pinuri ni Police Brigadier General John Gano Guyguyon, Regional Director ng PRO BAR, ang agarang pagtugon ng mga operatiba at aniya hindi lamang pinoprotektahan ng PNP ang buhay ng tao kundi sinusuportahan din nito ang paglaban sa ilegal na kalakalan ng wildlife at pinoprotektahan ang integridad ng ating likas na yaman.

Dagdag pa, binigyang babala din niya ang publiko na ang mga mahuhuli ay mahaharap sa mga parusa sa ilalim ng mga umiiral na batas, tuntunin, at regulasyong pangkapaligiran na pinangangasiwaan ng mga naaangkop na ahensya.

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles