Napindan, Taguig City — Namahagi ang 7th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ng relief goods sa mga residente ng Border Security Point, Napindan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Setyembre 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Community Affairs Section (CAS) sa pangangasiwa ni Police Captain Jul-Musa S Saat, Company Commander.
Nakatanggap ang mga residente sa lugar ng mga pagkaing tulad ng canned goods, bigas, kape, noodles at marami pang iba na malaking tulong upang mapalakas ang moral ng komunidad lalo na sa mga nangangailangan.
Di alintana ng mga pulisya ang hirap ng transportasyon patungo sa lugar upang makapagbigay lamang ng tulong sa ating mga kababayan.
Kasabay nito, nakipag-usap at nagbigay na rin ng payo ang grupo sa mga residente upang kanilang maiwasan ang pagiging biktima sa anumang krimen.
Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng diwa ng “Bayanihan” o pagkakaisa at pagtitiwala sa bawat isa na syang magiging sandigan ng publiko sa oras na kailangan nila ng tulong ng pulis at nang sa gayo’y ang pagmamalasakit na kanilang natamo sa aktibidad na ito ay kanila ring maibahagi sa iba.
Source: Seventh MFC RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos