Palawan – Kumpiskado ng mga otoridad ang nasa 77 board feet ng kahoy na ipil at isang chainsaw sa Sitio Stockfile Brgy. Dumarao, Roxas, Palawan noong ika-20 ng Disyembre 2023
Kinilala ni Police Captain Jefferson Terbio, Officer-In-Charge ng Roxas MPS ang suspek sa alyas na Vincent, 39 anyos, residente ng Brgy. Alimangua, San Vicente, Palawan.
Ayon kay PCpt Terbio, nag-ugat ang operasyon matapos umanong i-report sa kanilang himpilan ang ginagawang illegal logging sa lugar.
Kaya naman agad na nagsagawa ng Joint Operation ang DENR at Roxas MPS at nang makarating sa lugar ay dito tumambad ang pitong tabla ng Ipil at isang chainsaw.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng DENR office ang mga nakuhang kahoy, habang mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Anti-illegal Logging at Republic Act 9175 o Chainsaw Act.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus