Isang 75 anyos na residente ng Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union, na kinilalang si alyas Virgie, ay kusang sumuko at nagpahayag ng pagkalas mula sa grupong Timek Ken Namnama Dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK), Agoo, La Union Chapter noong Nobyembre 9, 2024.
Si alyas Virgie, isang maybahay, ay nagdesisyon na talikuran ang kanyang koneksyon sa TIMEK, isang Underground Movement Organization (UGMO) ng ANAKPAWIS sa Agoo, ayon sa Provincial Intelligence Team. Nais na niyang mamuhay nang tahimik at walang kaugnayan sa mga grupong may koneksyon sa CPP-NPA-NDF.
Ang kanyang kusang pagsuko ay isinagawa sa harap ng mga tauhan mula sa 2nd LUPMFC, Agoo MPS, TSC-RMFB1, BHQ-RMFB1, RIU1, RID, LUPIU, at mga opisyal ng Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union. Siya ay dumaan sa custodial debriefing upang maitala ang kanyang pormal na pagkalas sa grupo at para sa tamang proseso.
Sa huli, pormal na nanumpa ng katapatan sa pamahalaan si alyas Virgie, na nasaksihan ng mga opisyal ng barangay at ng iba pang mga ahensya na dumalo sa nasabing pagsuko.
Source: 2nd La Union PMFC
Panulat ni PSSg Robert B Abella Jr