Bataan – Nagbalik-loob ang 72 na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Bataan PNP at Armed Forces of the Philippines na ginanap sa Brgy. Pentor, Dinalupihan, Bataan nito lamang Biyernes, ika-9 ng Disyembre 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Rommel Velasco, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Bilang patunay sa pagbabalik-loob, nagkaroon ng symbolic signing ng Mass Withdrawal of Support to Communist Terrorist Group (CTG) at ang pagsunog sa bandila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Samantala, naghandog ng grocery packs ang Bataan PNP sa mga dating rebelde.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa paghihikayat sa mga mamamayan na makibahagi at tangkilikin ang mga programa ng ating pamahalaan para sa maunlad at magandang kinabukasan.
Source: Bataan Police Provincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3