Sunday, October 6, 2024

700 PRO 9 Personnel, na-deploy sa kasagsagan ng COC Filing

Umabot sa 700 na mga pulis ng Police Regional Office 9 ang na-deploy sa mga lugar na paghahainan ng Certificate of Candidacy (COC) sa Zamboanga Peninsula para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Police Brigadier General Bowenn Joey Masauding, Regional Director ng PRO 9, ang mga pulis ay itatalaga sa 48 filing venue sa kanlurang Mindanao.

Saad pa nito na hanggang sa ikatlong kwarter ng taon ay walang aktibong Private Armed Group (PAG) sa Zamboanga Peninsula na namomonitor ang PNP.

Walang nakikitang banta sa mga kandidatong maghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 nitong taon.

Kaakibat sa seguridad ay ang paglalatag ng mga checkpoint sa estratehikong mga lugar para sa kaligtasan ng mga kandidato at ng kanilang mga tagasuporta.

Gayunpaman, hindi ito dahilan para maging kampante’t maluwag ang pulisya sa pagbabantay sa paligid kaya palaging nakaalerto ang Zamboanga Peninsula PNP upang masiguro ang maayos at tahimik na Election 2025.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles