Ozamiz City – Isinagawa ng Ozamiz PNP ang best practice ng naturang istasyon na “7/7/7 with God” sa pitong Persons Deprived with Liberty (PDLs) sa City Hall Drive, Brgy. Aguada, Ozamiz City bandang 7:12 ng umaga nito lamang Enero 23, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Johnard Andojar sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major Dennis Tano, Officer-In-Charge ng Ozamiz City Police Station.
Layunin ng aktibidad na ibahagi ang salita ng Diyos upang mas tumatag ang pananampalataya ng pitong PDLs at magbigay pag-asa, na lahat ng taong nagkakamali sa mata ng Diyos ay may pagkakataon pa na magbago.
Ang aktibidad ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran), sa ilalim ng Programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).
Source: Ozamis City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz