Cebu City – Arestado ang 69 anyos na lalake sa Cebu City kasunod ng paghahain ng kapulisan ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness noong Huwebes, Nobyembre 9, 2023 sa F. Jaca St. Brgy. Inayawan, Cebu City.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office, ang akusado na si alyas “Pedio”, retired seaman, residente ng Brgy. Cogon Pardo, at naitala na Top 2 Most Wanted Person ng probinsya.
Bandang alas-12:40 ng tanghali ng arestuhin ng mga tauhan ng Police Station 7 ng CCPO ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest.
Batay sa Arrest Warrant, aabot sa Php180,000 ang rekomendadong piyansa sa kasong Acts of Lasciviousness ang akusado habang wala naman inirekomenda piyansa ang kaso nitong Statutory Rape.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang humpay na serbisyo ng kapulisan at tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan at partisipasyon ng komunidad.