Abuyog, Leyte – Naging benepisyaryo ng PNP Community Outreach Program ang mga mag-aaral ng Old Taligue Elementary School na isinagawa ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Old Taligue Abuyog, Leyte noong Huwebes, Setyembre 01, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Recaredo S Marasigan, Force Commander ng 1st Leyte PMFC katuwang ang Brgy. Officials ng naturang Barangay sa pamumuno ni Brgy Captain Joseph Menil, mga guro at mga residente.
Sa kabuuan ay mayroong 65 mag-aaral mula Grades 1-6 ang naging benepisyaryo ng feeding program at nabigyan ng mga school supplies.
Kasabay sa aktibidad ang pagtalakay ng RA 11313 o ang Safe Spaces Act at Project R.E.A.D.Y. (Resistance Education Against Drugs for the Youth).
Ang nasabing aktibidad ay naghahangad na makamit ang mas matibay na relasyon ng komunidad at pulisya.
Ito ay naglalayon ding maabot ang malalayong lugar at ibigay ang kanilang mga pangunahing pangangailangan kasabay ng pagtugon sa iba pang mga isyu at alalahanin sa komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez