Leyte – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 60 gramo ng shabu sa ikinasang operasyon na isinagawa sa Brgy. Daan Lungsod, Bato, Leyte nitong Setyembre 27, 2023.
Kinilala ni Police Captain John Rey Layog, Acting Chief of Police ng Bato MPS, ang suspek na si Dominador Zarco Jr y Palmero, lalaki, 45, may asawa, karpintero, residente ng Bato, Leyte.
Naaresto ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng Bato Municipal Police Station at PIT Southern Leyte, RIU8 kasama ang PDEA-8 SLPO, LPO, at Leyte SIU.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim na pirasong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 60 na gramo na may tinatayang market value na Php408,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Bato MPS Lock-up Facility.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa lugar, at nagpapakita lamang ito ng kanilang determinasyon na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.