Leyte – Nakumpiska ang nasa humigit-kumulang 60 na gramo ng shabu sa naarestong High Value Individual sa ikinasang buy-bust operation ng Ormoc City PNP sa Sitio Tiwasan, Brgy. Liloan, Ormoc City nito lamang Nobyembre 5, 2023.
Kinilala ni Police Captain Omar Roel Cartalla, Acting Station Commander ng Ormoc City Police Station 3, ang naaresto na si Rey, 37, walang trabaho at tinaguriang Regional Priority Target sa Silangang Visayas.
Naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Ormoc City Police Station 3 – Station Drug Enforcement Team katuwang ang City Drug Enforcement Unit – OCPO, OCPS 2 SDET, OCPS 5 SDET at OCPS SDET
Ang nasabat na 60 gramo ng shabu ay may street value na Php500,000 at nakumpiska rin mula sa suspek ang isang caliber 9mm pistol with inserted magazine na naglalaman ng siyam na live ammunition at buy-bust money.
Ang tagumpay na ito ng Ormoc City PNP sa pamumuno ni Police Colonel Nelvin Ricohermoso, City Director ay bunga ng pagsusumikap at dedikasyon ng kapulisan na tugisin ang mga indibidwal na patuloy na nagpapalaganap ng ilegal na droga.