Naaresto ng Criminal Investigation at Detection Group sa ilalim ni PMGen Albert Ignatius D Ferro ang anim (6) na miyembro ng lokal na kilusang terorista komunista kabilang ang isang ranggo na opisyal ng CPP-NPA-NDF sa magkasabay na operasyon sa Quezon City at Bulacan, umaga ng Nobyembre 16, 2021.
Si Gil Peralta, isang regular na miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee member na kabilang sa convenors ng CPP 2nd Congress ay inaresto sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Maribolo, Quezon City.
Si Peralta ay kinilala sa mga talaan ng pulisya bilang Kalihim ng Komiteng Rehiyon–Cagayan Valley (KR-CV), na may hawak ng posisyon ng Executive Committee, 1st Deputy Secretary, Finance Officer, Head ng Regional Organizational Department (ROD) at Communication Department ng KR-CV. Mayroon siyang umiiral na mga Warrant of Arrest para sa Arson at Frustrated Murder at pinaghahanap para sa kanyang mga teroristang aktibidad.
Isa rin si Peralta sa mga utak sa likod ng maraming pag-atake ng NPA sa rehiyon ng Cagayan Valley, kabilang ang pagsunog ng mga kagamitan sa DDT Construction sa bayan ng Lal-lo, Cagayan noong Oktubre 2020, at pag-atake sa isang CAFGU Active Auxiliary (CAA) detachment sa Sto Niño, Cagayan noong Hulyo 2019.
Nadawit din si Peralta sa pananambang at pagpatay kay dating Lasam, Cagayan Councilor Marjorie April Salazar, Eduardo Asuten, John Rey Cortes at Aiza Salvador Manuel. Ibinunyag ng mga dating miyembro ng KR-CV na si Peralta ay sangkot sa mga aktibidad ng katiwalian sa loob ng CPP-NPA at ginagamit ang mga pondo na nabuo ng teroristang organisasyon mula sa mga operasyong pangingikil nito para sa mga personal na pakinabang.
Sa sabay-sabay na operasyon, nahuli ang lima pang personalidad ng CTG sa Barangay San Vicente, Santa Maria, Bulacan. Kinilala sila bilang sina Irene Agcaoili kilala rin bilang Ayang, ang Head Finance ng KR-CV na pinaghahanap dahil sa pagpatay, multiple attempted murder at robbery at may bounty sa kanyang ulo na nagkakahalaga ng Php700,000; Lourdes Bulan alyas Simang, isang Executive Committee member ng KR-CV na wanted sa kasong murder at multiple attempted murder; Roy Dela Cruz y Aguilar alyas Mick/Bonel/Nino, Intel Officer ng KR-CV; Arcadio Tangonan y Corpuz alyas Mariano G Ramos; at Natividad Santos y Manuel.
Sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Agcaoili, tinangka niyang barilin ang mga arresting officers habang armado naman si Santos ng hand grenade. Sa kabutihang palad, ang dalawa ay kapwa ligtas na nasupil ng mga operatiba.
Nakuha mula sa pag-aari ng mga naarestong suspek ang isang (1) unit Colt Cal 45 na may defaced serial number, isang (1) unit Cal .45 na may serial no 920752, isang (1) unit Cal 5.56mm Colt na may serial no. 90119223, isang (1) unit Cal 9mm ARMSCOR na may serial no. 415741, 3 hand grenades, ilang Improvised Explosive Device, ilang mga bala, ilang mga magasin, 12 piraso ng blasting cap (non-electric), anim (6) na pcs booster (improvised) 100×25.5mm, dalawang (2) pcs booster (improvised) 205 x 60mm, at Php 636,000 halaga ng cash.
Ang mga personalidad na ito ay kinilala rin ng kanilang mga miyembro na bahagi ng Manila Support Group (MSG) na nakikibahagi sa pag-facilitate at pagsisimula ng extortion activities ng KR-CV dito sa Maynila.
Malaki ang epekto sa pamunuan at organisasyon ng CPP-NPA lalo na sa Cagayan Valley Region ang pagdakip kay Peralta at limang (5) tauhan nito. Gayundin, mabibigyan nito ng hustisya ang mga biktima ng CTG sa rehiyon ng Cagayan Valley.
Ang mga naarestong personalidad ay ihaharap sa korte para sa iba’t ibang kasong kriminal na isinampa laban sa kanila. Gayundin, magsasampa tayo laban sa kanila ng mga bagong kaso ng paglabag sa RA 10591, RA 9516 at iba pang naaangkop na mga kaso.
“Pinupuri ko ang PNP-CIDG, ang mga lokal na yunit ng PNP at ang mga operatiba ng AFP na kasama sa operasyon. Inaatasan ko rin ang Director ng CIDG na simulan ang karagdagang imbestigasyon sa mga kriminal na gawain ng mga naarestong suspek upang mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima,” ani PLtGen Carlos.
“Matatag na desisyon ng PNP na sugpuin ang kawalan ng batas sa bansa. Ang inyong PNP ay hindi papayag na ang mga komunista-terorista ay tahasang pagbalewala sa karapatang pantao,” dagdag pa ni PLtGen Carlos.
Maging manipestasyon ito ng paninindigan ng PNP sa pagkamit ng mga layunin ng NTF ELCAC, tungo sa pagtataguyod ng hustisya at demokrasya sa bansa.
(PNP-PIO)
#####
Panulat ni: Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero
Salute to our PNP
Good job PNP?my snappy salute?
Good Job PNP
Salamat PNP sa patuloy na pagtuligsa sa mga masasamang loob.