Boluntaryong sumuko ang anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur nito lamang ika-25 ng Hulyo 2024.
Kinilala ang sumuko na sina alyas “Omar”, alyas “Lan”, alyas “Sid”, alyas “Dio”, alyas “Ari”, at alyas “Amad”, na boluntaryo ring isinuko ang tatlong M14 rifles, isang M14 magasin, at dalawang homemade M79.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga personahe ng Regional Intelligence Unit BAR katuwang ang Provincial Intelligence Unit – MDS PPO, Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station, 92 Infantry Battalion Regional, at Local Government Unit ng naturang lugar.
Nakatanggap ang bawat sumuko ng dalawang sako ng 25kg na bigas.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng BIFF na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya